2007 nagsimula ang lahat. It was perfect. It was magical. It was everything i could have asked for.I woke up this morning, crying, naalala padin kita. Napapanaginipan padin kita. Nakakalungkot isipin na sa tagal ng panahon bakit ganun padin? Alam kong wala na, at may kanya kanyang buhay nadin tayo, ikaw. Pero sa loob ng 13 years, bakit meron padin maliit na boses na nagsasabi sa likod ng utak ko na umaasa padin na makita kita, na nagtatanong pano kung ikaw ang kasama ko ngayon. Baka nga nababaliw na ako, or baka may sakit na ako sa utak at kailangan ko ng tulong, baka depressed lang ako, baka na trauma pala ako. Sa tuwing aatakihin ako ng anxiety ko, mabilis na tibok ng puso, nahihirapan ako huminga tapos sasagi sa utak ko pangalan at muka mo. Minahal kita noon, alam mo un, alam ko un, ang problema naiwan ako sa panahong iniwan mo ako. Pinupuntahan ko padin ung mga lugar na tinatambayan natin, dumadaan padin ako sa inyo tapos umaasa ako na makita ka. Maraming beses ko na tinangka na tapusin nalang, sumuko nalang mabuhay. Tumigil ang mundo ko nung nasaktan ako ng sobra. Kala ko kaya ko malakas na ako pero ngayon parang nagtataka na talaga ako. Hndi naman sa sinisisi ko sayo lahat ng nangyari noon. Baka nga kasalanan ko kaya nahanap mo sa iba ang di ko kayang ibigay, o baka naman tadhana lang tlga na hndi tayo para sa isat isa. Ang malas ko naman ako lang naiwan magisa. Alam ko maganda na buhay mo ngayon. Habang ako sinira ko sarili ko, sa sakit na gusto kong mawala kahit saglit man lang. Babad sa computer, online games, para makalimot, mga tropa, at iba pang outdoor activities. Pero sa babalik ung ala ala mo, hndi ako makatulog. ayokong matulog, ayokong makita sa panaginip lahat ng masasayang alaala natin. Mas gusto ko ung simpleng buhay dati. Masyado na komplikado ang mga bagay ngayon. Naalala ko padin ung corridor na lagi nating tinatambayan, ung field trip noong highschool na kausap kita buong maghapon, ung park sa subdivison na lagi nating pinupuntahan after school or weekends, ung mga panahon na inaantay kita matapos klase at kahit saglit lang kita makasama, basta ang importante makasama kita sa araw na yun. At hndi pa natatapos doon, pupuntahan padin kita ng weekends, kahit 30 mins lang kita makasama manunuod ng anime haha, pucha. napakasimple. medyo corny, pero ung mga araw ng buhay ko na yun sobrang saya nun. 13 years, sariwang sariwa padin sa utak ko pucha. Tang ina. Naalala ko pa ung amoy mo, ung kung pano kita niyayakap, ung kung pano ko hawakan ung kamay mo, naalala ko pa lahat tang ina. After all this time, bakit ganun? 2010 moko iniwan at pinagpalit. Alam kong pinagpalit moko kasi nakita ko mga pics nyo sa facebook. Ang initial reaction ko nun nanlamig buong katawan ko, nakipag break ka na nun prior pa, may mga gossip lang na may iba ka na pala. Ang lamig ng kamay at ulo ko di ko alam kung anung nararamdaman ko, tapos parang may vacuum sa loob ng dibdib mo, parang hinihigop ung kaloob looban mo. Tapos pasakit ng pasakit, pamiserable ng miserable, Palala ng palala. Hndi ko na masyado nararamdaman ung sakit ngayon, pero pag dadalawin ako ng alala mo minsan, bumabalik tlga lahat parang kahapon lang nangyari. 10 years ako naghanap ng sagot. Taong simbahan naman ako alam ko may Diyos, pinaparusahan kaya ako kaya di ko mahanap ang sagot? Sana mabasa mo to, gusto ko mabasa mo to pero ayoko ring mabasa mo to. Ang gulo dba, hindi ko rin kasi alam ang gusto kong mangyari, naiwan ako sa nakaraan. Gusto ko magmula mismo sayo ang sagot, gusto ko lumabas sa bibig mo ung mga salita bakit mo ako iniwan, too much ba un to ask for? Tinaggap ko na hndi na talaga magkakaron ng sagot, kaso parang may missing piece padin, may kulang sa loob dibdib ko, ayaw mawala, pabalik balik, paulit ulit. Ayokong pakielaman o ikumpara ung mga relasyon natin ngayon sa kung ano meron tayo dati dahil ibang usapan yun. Gusto ko lang talaga mailabas to kung ano man tong nararamdaman ko. Dahil kung mabasa mo to ngayon. Maalala mo kaya ako? Maalala mo kaya ang masasayang nangyari satin noon? siguro hndi na malayong malayo ka na ngayon kung ano dati. Di ako nakahanap ng magandang trabaho kasi may sakit ako, dahil sa kung ano anong pngagawa ko noon, hndi ko un sinisisi sayo, sarili ko un, gnwa ko ung mga bagay na un para makalimot, matangal ung sakit. Distraction lang ang bumubuhay sakin hanggang ngayon siguro, hindi ko alam. Im happy for you sa totoo lang, matalino ka at magaling malayo mararating mo alam naman nating lahat un. Seryoso masaya ako para sayo. Pero sana maramdaman mo din kahit papano ung sakit na naramdaman ko, ung hirap na dinadanas ko ngayon. haha pucha sama ko ba? oo masama na kung masama. Ayoko din naman maging bida sa kahit anong storya. Masiyahin ako dati, madaming kaibigan, active sa aking pagkakaalala, totoo pala na babaguhin ka ng sakit at kalungkutan. Buti nahanap ko tong platform na to, ayoko sa fb maglabas ng mga ganito, kasi ma judge ka lang ngayon sa panahong to so anonymous nalang. sabi ko nga komplikado na ang mga bagay ngayon. Hindi ko alam kung anong susunod na mga mangyayari, gusto ko lang may makausap at may makaintindi ng nararamdaan ko, kung wala naman siguro ok lang din. sanay nadin naman ako, distract ko nalang muna sarili ko sa kung ano ano. Tang ina. lagi nalang akong tulala, nakatitig sa malayo. Ung mga kagaguhan natin nung highschool sana mapatawad mo ako doon, alam mo na un, ung mga pnagagawa natin muntik pa tayo mahuli ng roving guard grbe kaba ko nun, pero grbe hype at excitement. syempre parte lang un, di naman kita minahal dahil doon. Dahil kung minahal man kita, sagad sa kaluluwa at buto ang bngay ko sayo noon. Literal na tanga sa pagibig, kahit maglakad ako ng malayo makasama ka lang, sabi ko nga simple lang noon. Gusto at minahal kita noon. Maaring di na kita mahal ngayon, ewan ko, di ko masagot, wala ng kalinawan sa pagkatao ko e, alam kong may problema sakin, sira ako, hindi ako maayos, sana maibalik nalang ang panahon. Kung maibablik lang ang panahon uulit ulitin ko ung mga panahon na yun kasama ka. I lost all of my oppurtunities in life, ung window ko para magkaron ng maayos na buhay nawala na. napaka unfair ng buhay sakin, wala na akong naipanalo laging talo, laging malas, sinasanay ko nadin naman sarili ko. matagal na akong ganito. sanay na ako dito. Sana kahit sa huling pagkakataon malala mo ako, makausap kita, makita ko ung ngiti mo, mayakap kita, sana makausad naman ako, naiwan ako sa nakaraan. Naiwan yung realidad ko sa panahon na akin ka pa. sa panahong tayo pa. sa panahong yakap yakap kita. at parang kaya mong harapin kahit anong itapon sayo ng buhay kasi kasama kita. Puro ka cornihan lang, pero tang ina yan talga nararamdaman ko? baka nga korni lahat ng nagmamahal at nasaktan. Kahit gaano pa kaganda ang nangyari sa atin natapos din naman. may katapusan lahat ng bagay. Sana mabasa mo to, hindi ko alam kung paano, tadhana? may ganun ba, puro negatibo na tingin ko sa lahat ng bagay, ibang tao na ako hindi na ako masiyahin at palakaibigan, gusto ko nalang magisa, nakakulong sa kwarto madilim, pero kaya ko naman paminsan minsan mag panggap na masaya ako haha. siguro ganun tlga tayo lahat, may kanya kanya tayong katauhan sa harap ng ibat ibang tao. Sana mapakinggan mo ako, sana maniwala ka sakin, sana sumagi sa utak mo kung humihinga pa ba ako, at sana lagi kang masaya kung nasan ka man ngayon, at malaman mo, pinapatawad na kita. pinapalaya na kita. araw araw kita pinapalaya. dahil ung sakim na sarili ko gusto ka padin angkinin.