ang
ako
kahit
ust

Ang hirap pala no

Time Spent- 46m
16 Visitors

Ang hirapa palang maging masayahin no? Yung tipong bihira pa sa bihira ka magalit. Oo ganun ako. Nung mas bata pa kase ako, masyado akong grumpy. Kakaunting kibot lang, inis na agad. Tapos isang araw, nagising ako na parang sising sisi ako. Ang bigat sa dibdib kapag inuusig ka ng konsensya. Mula nung araw na yun sabi ko, I'll try my best to stay calm.


Pero parang nasobrahan naman ata. Hahahaha gamay na gamay ko na kase ngayon. Yung kahit deserve talaga nung tao yung galit ko, hindi ako magagalit sakanya kase nga di ko kaya. Baka nga yakapin ko pa siya at ako pa magsorry sakanya. Basta handa akong magpakumbaba kahit kasalanan nila kase alam ko kung hanggang saan lang yung nararamdaman ko at aware din ako sa kaya kong gawin pag talagang nagagalit ako.


Ayokong maipit sa komplikadong sitwasyon AMAP. Oo, magaling akong magtimpi at sobrang haba ng pasensya ko to the point na akala ko yun na ako. Di na ulit ako makakaramdam ng galit. Pero hindi pala ganun. May limitasyon din pala ang emosyon ng tao. Siguro naipon ng naipon yun kaya dumating yung araw na nagalit na ako. Galit na galit cyst. As in. Imagine, ninakawan, binully, nilait, siniraan, etc., sa lahat ng yan never akong nagalit. Dun lang talaga sa pagpudpod nung kapatid ko sa oil pastels ko. Grabe yung galit ko nun idk why.


Eh oil pastels lang naman yun. Besides kapatid ko naman yung gumamit so kahit ako di ko rin gets kung ano yung kinakagalit ko. Kahit sina Mommy biglang nagpanic nung narinig na may nabasag tapos sigaw ako ng sigaw. Siguro nanibago sila kase ang tagala na nung huling beses na nagalit ako. Grabe cyst para ako non batang nagtatantrums.


Hindi ko rin alam kung bakit ko ginagawa yun pero ang nasa isip ko lang, gusto kong makarinig ng ingay. Parang ang refreshing sa pandinig nung nababasag na mga frame tapos vase. (True story 'to) tapos lahat ng nakikita ko gusto kong itapon. Ewan, gigil na gigil ako eh. Tapos bigla akong sinampal ni Mommy. Dun na ko natigil. Tapos iyak nalang ako ng iyak. Pinapatahan ako ni Daddy. It's kinda embarrassing kase dalaga na ko pero para akong batang pinapatahan ni Dad. Dahan dahan din nawala yung urge ko na magtapon ng magtapon ng kung ano ano


Tapos kinabukasan nun hiyang hiya ako sakanila. Panay ang sorry ko sa kapatid at parents ko. Hindi ko talaga alam kung bakit pero after nun parang ang gaan na sa pakiramdam.


Kinausap ako ni Dad. Alamin ko daw kung paano imamanage yung emotions ko kase hindi daw pwedeng kinikimkim lang yung galit kase baka maulit daw yung nangyari that night. It's okay to feel angry daw pero learn to control your emotions if you don't want it to control you.


~~







Replied Articles