Time Spent- 50m 18s
30 Visitors

Bestfriends Ba Talaga?

Mahal na mahal ko mga bestfriends ko pero ang sakit sakit na. Araw-araw kong pinagmamasdan mga ginagawa nila, kung pano sila tumawa habang ako nakikibelong na nga lang hindi pa sinasali sa usapan. Pinipilit ko ang sarili ko sa kanila knowing na hindi naman nila ako kakausapin. Iniintindi ko nalang na baka ayaw lang talaga nila ako kausapin. Ayokong ganito yung sitwasyon. Natatakot ako na baka one day, gigising nalang ako bigla tapos hindi ko na sila kaibigan. Ayoko mangyari yun kasi sila nalang yung nagpapasaya sa akin, mawawala pa ba? Lagi lang akong nakatingin sa kanila sa malayo wondering if hinahanap ba nila ako. Pero nabigo ako kasi hindi e, masaya sila. Sa sobrang saya nila hindi nila naisip kung meron ba silang nasasaktan. Kasalanan ko rin naman, hindi ko sinabi na nasasaktan na ako sa pakikitungo nila. Parang wala lang kasi ako kapag nag-uusap sila e. Minsan tinatarayan nila ako o may mga bagay silang sinasabi na nasaktan talaga ako pero hindi ako gumanti. Gusto kong iiyak to kasi bakit naman ganon? Napakaimportante at special nila para sakin tapos wala lang ako para sa kanila? Andaming rason para umalis ako sa friendship namin pero never akong umalis kasi mahal na mahal ko sila. Palagi nalang akong nasasaktan sa trato nila sa akin at hindi ko sinasabi sa kanila yun sa takot na masabihan na "Para yun lang? Tampo/Galit kana agad?". Mahal ko sila kahit ang sakit sakit na kasi sila lang yung nagpapasaya sakin na sinasaktan ako ng sobra. Kaya nawawalan ako ng gana makipag-usap kahit kanino kasi feeling ko wala akong kwenta kausap, boring o baka may mali sa akin. Sabihin man nilang normal lang yung IGNORANCE at normal lang na sumaya ang buong squad habang ikaw nasa gilid na parang nakikibelong lang, pero hindi e. Never siya naging normal. I guess magsstay nalang ako sa ganitong sitwasyon. I love them but it hurts.

Replied Articles

Re: Bestfriends Ba Talaga?

Even we're miles apart. You're the best person I ever met. I may not know you but it feels like its you... *Maybe it's fate?*

By the way,

Ikaw laging laman nang topic ng squad lalo na kapag may get-together. You may not be there pero ikaw pinagkukwentuhan namin tungkol sa mga moment na kasama ka, kung gaano ka kabait and how we/everyone adores you secretly even tho you never open-up your feelings and thoughts.


You never know, pero ikaw yong tipong maaalala ko/namin araw-araw.



Uwi na kase🙂

alam kong mahirap pero kailangan mo i confront sila mag real talk kayo sa isat isa sabihin mo kung best friend ka ba talaga nila alam kong mahirap pero mas ok na yun nasasabi nyo na nararamaman nyo sa isat isa alam kong napaka importante sila sayo pero minsan kailangan ntin harapin yung totoo itigil mo na yan kahit mahirap. alam kong masasaktan ka lalo pag tinigil nyo yan pero atleast alam mo na yung totoo khit sa chat nlang kayo mag usap mahirap lalo na pag mag kaharap.