ko
di
pero kung
para sayo

Di ko maintindihan

Time Spent- 1h 7m
12 Visitors

di ko talaga maintindihan. Diba nandyan ang teachers para magturo, gumabay at tumulong sa mga mag-aaral? lalo na yung mga nahihirapan. pero bakit ganun, parang imbes na tumulong sila pa lalo yung nagpapahirap.


kase kung ako yung teacher? Di ko gagawin yan. Let's assume na teacher ako. May students ako na nahihirapan mag adjust sa new normal which is online learning. Ok let's assume na nanay din ako. may mga anak ako, asawa ganun. Given nang may responsibilidad din ako bilang nanay at asawa aside sa pagiging teacher


so balik tayo sa students ko, diba bilang pangalawang ina, syempre aasikasuhin mo rin yung students mo. Bilang ina alam ko kung gaano kahirap yung buhay ngayon. hindi lahat afford bumili ng gadgets o magpakabit ng internet connection. So syempre bilang ina mag-iisip ako ng ibang paraan na makakatulong sa students ko para mapadali ang pagkatuto nila pero at the same sisiguruhin kong naiintindihan nila.


Pwedeng pwede ako magdiscuss through messenger lang diba? kahit through chat. pwede akong magrecord ng video na nag-eexplain ako ng topic or kumbaga naglelesson tapos isesend ko sa gc. then I'll ask them questions. parang chat chat lang. then I'll give them activities na alam kayang kaya nila tapusin in a short period of time.


let's say may mga students naman akong di nagpaparticipate. or soobrang late magpasa ng requirements. Hindi ko sila ipepressure at sasabihan na "pag di kayo nagpasa nito sa ganitong time, blanko ang grade niyo sa subject ko". hindi kase tama yun. Kase ang mangyayari magcacram sila then there's no place for learning anymore. ang nasa isip nila kailangan kong magpasa kase babagsak ako. mali diba? it's so selfish. parang pinepressure mo siya kase may hinahabol ka rin na deadline. maling mali.


the best way to approach them is kausapin mo. kamustahin mo. tanungin mo kung bakit nagkaganun. make them feel comfortable na parang barkada lang ang kausap nila. in that way magkukwento sila at maiintindihan mo sila diba? malalaman mo rin naman kung nagsisinungaling o hindi eh. Then help them catch up. Basta hindi sagot ang pang pepressure. Lalo lang magugulo ang utak niyan or worse magkaroon pa yan ng anxiety or other mental illnesses.


Lagi nating tandaan na hindi lahat ng tao o bata malawak ang pang-unawa. what if magpakamatay sila dahil sa sobrang stress? para sayo, kalokohan yun pero hindi mo alam kung gano kalaki yung impact nun sa pagkatao niya kase first of all hindi ikaw siya at hindi mo alam ang pinagdadaanan niya. diba? ang toxic eh nakakainis.


marami akong kaklaseng ganito. gusto ko sila tulungan lahat (kahit na responsibilidad yun ng teachers namin) pero hindi ko naman kaya kase marami din akong requirements na inaasikaso. natutulungan ko lang sila minsan kapag may tinatanong sila. pero ano? ayun pressured na masyado. may kanya kanya din kase silang problema na hinaharap tapos dadagdag pa yung pag-aaral. naaawa ako sakanila pero kung hindi talaga magbabago ang strategy ng teachers (hindi lahat ah) kawawa yung mga estudyante.